Panitikan ng France
Mayaman nga ba ang France kung patungkol sa Panitikan ang pag-uusapan? Ang bansang France o Pransiya ay hinango sa salitang ‘ Francia’ na ang ibig sabihin ay ‘Lupain ng mga Prangko’. Nabibilang ang France sa Mediterranean countries na mayayaman rin sa larangan ng panitikan. Ang kilalang Eiffel Tower sa Paris, na Kapital ng bansa ay nagsisilbing landmark na dinarayo ng napakaraming turista na nagmula pa sa iba’t ibang dako ng mundo. https://www.tripsavvy.com/paris-sightseeing-with-kids-3267233 Kilala rin ang France sa kanilang pagluluto at mga pagkain, sining, arkitektura, wika, kultura’t tradisyon na malalahad sa mga nagawang akdang Panitikan mula sa mga Pranses na maglalarawan ng kanilang mga karanasan at pananaw sa sariling bansa. Inilalahad rin ng mga Pranseskanong manunulat sa kanilang mga obra ang mga patungkol sa politika at pamamahala. Mahalaga ang panitikan sa mga mamamayan ng Pransya dahil mahalaga ang papel nito sa kanilang pagkatao. Nagsimula ang pani...